nung isang araw nagmessage ang isa sa aking mga mabuting kaibigan na si mymai. tanong nya kung meron daw ba akong bagong "learnings". sana daw may maisulat akong tungkol sa mga taong lumimot na sa pinanggalingan. parang ganun kasi malabo ang instructions nya. nyahaha. sabi ko sige, mag iisip ako ng mga ilang araw at gagawan ko. malamang naman siguro sa dalawampu't walong taon ko nang nabubuhay sa mundong ibabaw, may natutunan naman ako tungkol sa PAST.
salawikain: ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan.
totoo, madaming tao ang nakakalimot sa kung ano sila noon lalo na kung mas marangya, mas maaliwalas, mas mataas, at mas mabuti na ang kalagayan nila ngayon "DAW". okey sana kung talagang nakalimutan lang pero yung sinasadyan lumimot? tsk.
eto yung mga tao na mahilig sa mga "past is past", "noon lang yun", "tapos na yun" na mga kataga o pinakasimple: namumuhay sila ngayon na akala mo walang bahid ng kung anumang kapalpakan, katangahan, o katarantaduhan silang nagawa noon.
c'mon mamon!
oo, sige, totoo, tapos na nga naman yun pero wag sana tayong magpanggap na hindi na iyon bahagi ng kung anuman tayo NGAYON. sinong niloko mo? natural, bahagi ang lahat lahat ng napagdaanan mo kung anong klaseng tao ka ngayon. kung bumuti eh di mabuti, kung sumama, watken ay sey? diskarte mo yan eh...
hindi kailanman tayo makakatakas sa ating nakaraan.
pinakasimpleng eksampel: ang salitang "pero" . kahit si manny pacquiao na isa sa pinakamayamang pilipino ngayon at tinitingala ng marami, pag pinag uusapan sya talagang may ganito: "uy, si manny pacquiao o matalo man o manalo sa laban nila ni coto billions na naman ang kikitain. pwede na niyang bayaran utang ng pilipinas" "oo nga, yaman na ng loko PERO dati umuutang lang yan sa tindahan". odiba?
patuloy na maaalala ng mga taong nakakakilala sa atin yung mga nakita, narinig, naranasan nila tungkol sa atin kahit pa anong klaseng buhay ang meron tayo ngayon. ang sarap sana ng buhay kung totoong nakakalimot ang tao, kung talagang sa isang iglap mawala ang lahat ng impresyon na ating iniwan sa isipan ng iba kaso hindi eh. sa men in black lang nagagawa yun.
oo din, mas importante nga naman yung NGAYON kaya lang wag tayong umasta na para bang "wala lang" yung nakaraan. kasi para mo na ring sinabi na isa ka lang utot na dumaan at nawala. ang salitang "pero" tungkol sa ating buhay ay dala dala na natin hanggang sa tayo ay may hininga. bawat isa sa ating ikinilos ay katumbas ng isang "pero". it may be used against you, not only in the court of law, but in the court of mankind.
tanggapin natin ng buo ang bawat "pero" na ating totoong ginawa. hindi natin pwedeng sabihin na "di na ako yun, nagbago na ako". TSEH! ikaw pa rin yun, nagbago ka lang nga! ang sinasabi ko lang naman, hindi naman porke't nag 180-degree turn ang buhay mo, ibang tao ka na. ano ka, magic? siguro, oo, you're a new person pero sa kaibuturan, IKAW pa rin yan. sabi nga nila, ang ahas magpalit man daw ng balat, ahas pa din. tama nga naman, mas shiny nga lang. mas maganda, masa mabango, at pwedeng hindi na nanunuklaw pero ahas pa rin yun.
wag magmalinis. yun yon! di ba mas maganda kung kung ikaw ay may isang buong pagkatao? hindi yung parang sinadyang hiniwalay mo sa kung anumang paraan ang nakalipas sa ngayon. kahit na ba balewalain na natin ang paningin ng iba sa atin, sa sarili natin mismo alam natin yung katotohanan na ang nakalipas ay malaking bahagi ng kung pano tayo nabuo sa ating "ngayon" at mabubuo sa ating "kinabukasan"...
DEBAAAH???